Filipino Values for the Capitalist Century
Pag binato ka ng tinapay batuhin mo ng pera at hintaying mong batuhan ka ng sukli, dahil papunta ka pa lang ay nagbabayad na ako ng dinaanan mong tollgate at ng pamasahe pabalik; tatandaan mo na kung walang tiyaga hindi tayo makakabili ng mga sangkap...
Senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. remembered for his heroism and courage on his 79th Birth Anniversary today.
Ang sabi daw nila, pag naririnig nating mga Pilipino ang pangalang EDSA – isa lang ang pumapasok sa isip natin: People Power led by Cory.Pero ewan ko ba, kapag naririnig ko ang EDSA, ang laging pumapasok sa isip ko ay: Matinding Trapik, Rush Hour, Usok,
Siksikan sa MRT, at sari-sari pang bagay na ayoko sanang makita ng mga taga ibang bansa. Memorable ang EDSA sa buhay-byahe natin. Bakit ba kailangan pang baguhin?
Yes, Cory is a prominent figure of democracy. She is an icon of what the Filipinos are fighting for- the freedom to lead the government on their own. Pero parang nabababawan
ako sa pagpapangalan ng EDSA sa Cory Aquino Avenue. Imbes na EDSA, magiging CAA o “Aquino Avenue o “Cory”. Imagine ninyo ung mga konduktor ng dyip sinisigaw: “Cory! Cory! Oh ayan, aalis na. Sige pa, Pang-siyaman to. Ayan, Cory! Cory! Sige konting ipit pa, ayan. Sige isa pa! Cory! Cory!”
Kulang na lang na i-flash nila yung LABAN sign at parang maaalala mo ulit ang gunita ng People Power sa araw-araw na bumibyahe ka. Ang punto ko lang, kung mababago ba ng pangalan ang kasalukuyang magulong sitwasyon ng
EDSA, then sige baguhin nila. Pero kung hanggang pangalan lang ang babaguhin nila, bakit hindi mo nila unahin ang pagbabago ng mas mga importanteng bagay sa EDSA? Mawawala din ang essence ng pangalan kung ganyan pa din kagulo ang mga kalsada, ang mga kaskaserong drayber o ang maitim na usok. There are matters more important than just naming a famous avenue into something else. Kawawa naman si Epifanio delos Santos, hindi na makikilala ng bagong henerasyon, samantalang si Cory naman kahit kanino mo tanungin, kilala ng lahat. Ang sabi ng mala-Conspiracy theorist kong kaklase, wala nga daw si Cory nun noong kasagsagan ng People Power. Sila Enrile at Honasan daw ang nangasiwa habang si Cory daw ay nagtatago sa Cebu. Kung totoo yun, dapat gawin na lang nilang “Ponce Enrile Avenue”. Baka mas matuwa pa nyan si Manong Johnny.
©Copyright 2011, Definitely Filipino. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: NicaMigz!
(Source: definitelyfilipino.com)
(Source: pinoytumblr)